Mga klase ng estudyante

By Sir Gabs

Meron tayong iba’t ibang klase ng estudyante ayon sa aking guro.

  • Gwapings - Sila yung mga lalaking swabe ang buhok. Isang grupo sila kadalasan tinitilian ng mga kababaihan. Conscious na conscious sa kanilang buhok na kala mo pag nasira, magugunaw na ang mundo.
  • Kikay Company - Sila yung mga babaeng walang pakealam kung ma-late man sila basta ang importante, maganda sila sa tadtad ng make-up. Palagi mo silang makikita sa banyo, nagsasalamin at kung ano anong kalikot ang ginagawa sa kanilang pagmumukha.
  • Mga anak ni Rizal - Sila yung mga taong hindi mabubuhay kapag walang libro. Yung tipong kapag hindi sila nakapagbasa ng isang araw, kasalanan na iyon sa Diyos. Makikita mo sila kadalasan sa library, nakasubsob ang mukha sa libro.
  • Multo - Sila yung mga taong palaging wala. Absent parati. Minsan lang sa bughaw na buwan lang sila sumulpot na parang multo.
  • Hollow Blocks - Sila yung makakapal ang mukha na walang pakealam kahit huling huli na ng guro na nangongopya, sige parin sila. Gagawa pa yan ng palusot eh.
  • Basag-ulo - Sila yung kadalasan mong makikita sa clinic or principal’s office. Kakatapos lang nila makipagsampalan sa mga kaaway. Palaging naghahanap ng away, gulo o giyera.
  1. omfgine posted this